Friday, October 24, 2008

Pagmamahal, Pagtitiwala, at Pananampalataya

sabi ni Nora Aunor, "Walang Himala, Ang Himala Ay nasa Puso lamang."

pero napagtanto-tanto ko naman na, "May Himala, kung Manggagaling ito sa Puso natin."


tulad na lang kapag tayo'y hihiling, hindi dapat galing lang sa bibig natin, dapat may kasamang pagmamahal at pagtitiwala, at higit sa lahat pananampalataya... minsan ang mga hiling o dasal natin ay hindi natutupad, kaya minsan naiinis tayo sa Diyos, kasi kahit may pananalig tayo sa kanya hindi natin kadalasan nakukuha ang bagay na hinihiling natin... sabi nila kaya daw nagkakaganoon, kasi humahanap lang daw ang Diyos ng timing, ng takdang oras... kaya nasa sa atin na lang yan kung makapag-aantay tayo o hindi...