Thursday, March 10, 2011

Ang Hiling ko Sa KANYA.

Marami tayong hinihiling sa mundong ito. May mga bagay tayong gustong makuha agad at may mga bagay naman tayo na kaya nating antayin. Ikaw? Ano ba ang gusto mong makuha? Ano ba ang kaya mong antayin?

Hindi ko inisip na darating ako sa punto na hihiling ako, hihiling ako agad-agad. Hindi ko kayang patagalin at mas lalo kong hindi kayang hayaan kahit alam kong wala naman akong magagawa kaya idadaan ko na lang lahat sa hiling. Alam kong medyo sakim ako sa gusto kong mangyari, at ito ay mauna ako! Mauna ako na matupad ang aking hiling dahil alam ko na kailngan ito, siguro kailangan ko pero hindi ko naman iniisip yun dahil ang tanging nasa isip ko lang ay kailangan ito ng mga mahal ko.

Kung ano man ito siguro sa akin na lang, at kung magkakaroon man ako ng lakas ng loob na sabihin ito, ipapa-alam ko ito sa inyo. Pero gusto kong ipa-alala na ang buhay ay maikli lang, kaya sana huwag nating sayangin ang mga oras na ibinibigay sa atin ng Diyos para maksama ang mga taong mahal natin.