Thursday, October 30, 2008

desisyon

Desisyon
an informal article by MIGS ENRIQUEZ

may mga bagay-bagay nga na pinag-iisipan nating mabuti dahil gusto natin magkaroon ng magandang resulta... pero syempre, may mga bagay-bagay rin na pinagdedesisyunan nga natin ngunit hindi naman natin ito pinag-iisipan...

sa buhay natin, ang pagdedesisyon talaga ang napaka kumplikado... pag-isipan mo man ito o hindi, dahil kadalasan nalalaman natin ang halaga ng pangyayari kapag nasa atin na ang resulta...

sa pagdedesisyon, hindi naman mahirap tanggapin kung hindi mo ito pinagisipan tapos talo ka naman, o pangit yung naging resulta... ang mahirap nga lang, kapag pinag-isipan mong mabti tapos hindi maganda ang resulta, para kang nagsayang ng pagod at panahon... pero gayumpaman, natututo ka at nalalaman mo ang dapat at hindi na dapat...

yan ang buhay, minsan madaya pero kadalasan naman masaya...