Sunday, November 7, 2010

araw-araw na lang

siguro, marami tayong nararanasan sa mga oras na ito. mga bagay na gusto na tin, mga bagay na ayaw nating hindi ginagawa, at mga bagay na ayaw talaga nating maranasan. ganito naman talaga ang buhay diba? we cannot predict what will happen, kahit sabihin na nating nagkaroon ng pag paplano. at the end of the day, ang kailngan na lang nating gawin ay tanggapin na ganoon ang buhay, hindi permanente at hinfi minsan magiging permanente. lahat kailangan magbago at lahat ay pwedeng lumisan kahit anong gawin natin ang buhay ay sadyang ganito.

sa bawat araw na magdadaan, kailngan talaga natin harapin ito ng hindi nagrereklamo dahil kung magrereklamo at magtatanong lang tayo ay walang mangyayari o kaya naman mas magiging kumplikado ang mga bagay-bagay dahil sa mga tanong na pwede nating sabihin, magiging kumplikado dahil sa mga sagot na minsan hindi natin kayang tanggapin. kaya naman sa buhay na ito, ang kailngan ay maging matapang at maging malawak ang pag-unawa hindi lamang sa mga bagay-bagay na nararanasan natin araw-araw pero sa mga tao na rin na parte ng mga iyon.

thought of the day

what is life?... is it about your family? your dreams? we all have our own meaning of life, pero kahit saan natin tingnan, it will end up in one idea, that our life is about the people around us ^_^

Friday, November 5, 2010

sorry na

October 25, 2010 - Ito ang araw na kung saan naging parte ang isang babaeng minsan kung nagustuhan noong kami pa ay nasa high school. Nagustuhan ko siya noon pero minamahal ko na siya ngayon, ngunit sa puntong ito hindi ko napapadama sa kanya na importante siya sa buhay ko dahil siguro sa mga bagay na nasa paligid ko.

Noong nakaraang linggo, nag focus ang away namin sa kabagalan ko mag text (INAAMIN KO, TAMAD AKONG MAG TEXT). Ngayon naman, mas naging kumplikado ang mga bagay-bagay dahil kahapon ay hindi ko siya nasipot sa usapan namin but I do not have a lame excuse naman but I already committed my time kaya yun ang kinagalit niya, with that feeling sabi niya ay hindi ko siya pinapahalagahan. Inaamin ko na akong ang mali, ako ang may mali that's why I already said sorry. And I'm hoping na sana she will forgive me, gusto ko sana siyang kulitin at magbigay ng extra effort para sabihin na patawarin niya na ako pero parang ngayon sa nangyayari sa buhay ko, ayoko ng mag dictate, ayoko na siyang pilitin, ayoko ng mangako, ayoko ng magsalita.

I hope that everything will be fine, it will be fine if one will give way and one will be going to admit that he was the one who commit the false action. Syempre, ako dapat yun pero sobrang hirap sa akin dahil hindi ako sanay na mamilit, hindi ako sanay mag please pero para sa'yo MICHELLE PEREZ, sasanayin ko ang sarili ko.

SORRY NA. SORRY.

mga nakaraang linggo sa buhay ko

Since the last time na nag post ako dito, ang daming nangyari, mga bagay na hindi ko inaasahan.

May mga bagay na nagpasaya at nagparamdam sa akin ng halaga. Natutunan kong bigyang importansya ang mga taong nasa paligid ko, mga pamilya at kaibigan na handang tulungan ako.

Mga pagkakataong nagpalimot sa akin sa mga problemang nararanasan ko sa kasalukuyan, mga pagkakataong kasama ko ang taong gusto kong kasama.

May mga bagay rin na nagpaluha at nagbigay sa akin ng ng hindi kaaya-ayang pakiramdam. Isangpakiramdam na sobrang bigat at ngayon ko lang naranasan, mga problemang mas pinukol ang pinahahalagahan kong pamilya, at sa mga oras na ito, isa lang ang hiling ko, nasana maging maayos ang lahat. Magkaroon ng pagkakaintindihan at mabalutan ang bawat isa ng pagmamahalan.