Friday, October 17, 2008

a poem for 1BPS '08-'09 (1st sem)

BestPrenS
-migs enriquez-

nag-umpisa ang ating samahan, sa tuwa at saya
nag-umpisa ang ating pagkakaibigan sa paniniwala at pagtitiwala

nabuo ta'yo sa pamamagitan ng isang pangarap
pero mas nabuo ta'yo sa pamamagitan ng ating pangarap

maikling sandali man ang ating napagsamahan
sa loob naman ng limang buwan tayo'y nagmahalan

nagkaroon man ng di-pagkakaintindihan
tayo naman ay nagkaunawaan

ngayon, kahit dumating na ang araw na kung saan mas nalaman natin ang ating kagustuhan
sana, huwag natin kalimutan ang ating nabuong pagsasamahan

kailangan man ng iba lumisan
maging masaya sana tayo sa kanilang kapalaran

kaya kahit iba't ibang bituin na ang ating abutin
iba't ibang daan na ang ating tawirin
iba't ibang tao na ang magpapangiti sa atin
sana panatiliin parin natin
ang pagkakaibigang ating inagkin